Monggo, sibuyas at ampalaya, nanguna sa produksiyon sa unang kwarter ng taon

Nanguna sa produksyon ng Pilipinas ang monggo, sibuyas at ampalaya sa unang kwarter ng taon.

Batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang produksiyon ng monggo ng 6.2% o 9,168 metric tons (MT) mula nitong Marso.

Umakyat rin ng 3.2% o 28,616 MT ang native na sibuyas habang ang ampalaya naman ay tumaas ng 2% o 18,630 MT.


Sa ngayon, tinatarget ng Department of Agriculture (DA) na mapalago pa ng 2.5% ang sektor ng pagsasaka ngayong taon.

Facebook Comments