MONITORING | Antas ng tubig sa Marikina River, nananatiling normal

Marikina City – Sa kabila nang walang tigil na pag-ulan simula kaninang madaling araw.

Nananatiling normal ang antas ng tubig sa Marikina river.

Sa pinakahuling monitoring nasa 14.3 meters ang lebel ng tubig sa ilog.


Pero pinapayuhan ang mga Marikeño na manatiling alerto at patuloy na i-monitor ang sitwasyon ng ilog.

Ayon sa MDRRMO kapag nasa 15 meters na ang lebel ng tubig sa ilog ay kinakailangan nang maghanda sa evacuation habang ang mga nasa low lying areas ay maaari nang mag-voluntary evacuation.

Kapag nasa 16 meters o 2nd alarm na ang lebel ng tubig ay otomatikong kinakailangan nang lumikas ang mga apektadong residente at sinasabayan din ito ng serena na hudyat na dapat nang lumisan.

At kapag nasa 3rd alarm o 18 meters ang tubig sa ilog ay ipatutupad na ang force evacuation.

Ilan sa mga barangay na lubhang apektado kapag umapaw ang Marikina river ay ang Tumana, Nangka, Malanday, Sto Nino, Dela Pena, Tanyong, Sta Elena, Calumpang at Concepcion Uno.

Facebook Comments