Monitoring ng PHIVOLCS sa nanyaring lindol sa Davao Del Sur, nagpapatuloy

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na patuloy nilang binabantayan ang nangyaring lindol sa Davao Del Sur ngayong umaga.

Batay sa tala ng ahensya, naramdaman ang 4.8 na lindol sa layong 60 kilometers Hilaga ng bayan ng Magsaysay.

May lalim itong 20 kilometers at tectonic ang pinagmulan.


Naramdaman din ang lindol sa mga kalapit na lugar ng nasabing bayan.

Intensity IV – Makilala, Cotabato;
Intensity III – Kiblawan, Davao Del Sur; Davao City; Kidapawan City at Tulunan, Cotabato; Columbio, Sultan Kudarat; Intensity II – Banisilan and Arakan, Cotabato; Cotabato City; Koronadal City at Surallah, South Cotabato; Tacurong at Lutayan, Sultan Kudarat.

Instrumental Intensities IV sa Kidapawan City at Cotabato;
Instrumental Intensity II – Alabel at Sarangani;
Instrumental Intensity I sa Kiamba, Sarangani at General Santos City.

Wala naman naiulat na nasugatan, nasawi at nasirang ari-arian dulot ng pagyanig.

Facebook Comments