Palalakasin pa ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at ang Bureau of Customs (BOC) ang monitoring ng mga paggalaw ng ecozone goods sa bansa.
Ito ay kasunod ng paglagda ng dalawang ahensya para sa kanilang data sharing agreement.
Ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, layon ng naturang kasunduan na magkaroon ng maayos na monitoring ng economic goods sa bansa, alinsunod sa Electronic Transfer of Containerized Cargo (E-TRACC) system.
Dagdag pa ni Panga, magkakaroon na ng access ang PEZA upang mas mapabilis pa ang movement ng bawat produkto sa bansa.
Nagpasalamat din si Panga sa BOC sa pagbibigay ng kasunduan sa PEZA upang makatulong sa pagsasaayos ng monitoring ng dalawang ahensya.
Facebook Comments