Meralco may taas singil sa kuryente ngayong Setyembre

Magpapatupad ng taas singil ang Meralco sa September billing.

Ayon sa kumpanya, tataas ng singkwenta sentimos ang singil sa kada kilowatt hour ng kuryente.

Pangunahing dahilan umano nito ang pagmahal ng generation charge dahil sa paghina ng piso kontra dolyar.


Ibig sabihin, nasa isandaang piso ang madadagdag sa kada kabahayan na kumokonsumo ng 200-kilowatt hour sa loob ng isang buwan.

Noong Agosto, nagbaba ng presyo ang power distributor sa kanilang singil ng kuryente.

Facebook Comments