Mahigpit namang ipinaalala sa mga Lokal na Pamahalaan sa buong lalawigan ng Pangasinan ang mahigpit na pagmonitor sa mga itinalagang firecracker zone.
Ayon sa Provincial Government kasabay sa pagkakaloob ng permit ng mga LGU sa pagtitinda ng paputok sa kanilang nasasakupan ay kailangan ang regular na monitoring kung nasusunod ang mga safety protocols upang maiwasan naman ang aberya lalo na ang insidente ng sunog.
Ipinaalala rin sa mga LGUs na tiyaking walang mga fly-by-night na mga tindera ng paputok na kadalasang pinagmumulan ng mga iligal na uri ng firecrackers.
Ang mga ito ay mga ilegal na nagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok na malimit na ibinabagsak sa oras na hindi mamonitor.
Sa kabila naman nito umano ay pinakamahalagang kontribusyon ang publiko kaya naman ay ipinanawagan sa publiko na umiwas na lamang sa paggamit ng paputok at gumamit ng mga alternatibong mga pampa ingay upang matiyak na mas ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon. | ifmnews