Tubig at emergency supplies ng Oplan Tabang relief ops, naipadala na sa RMN Cebu at RMN Surigao

73

Ipinadala na ng Radio Mindanao Network (RMN) Management Team ang mga tubig at emergency supplies sa RMN Cebu at RMN Surigao na mula sa Oplan Tabang relief operation program ng RMN Foundation.

Layunin ng programang ito na magbigay ng tulong sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Sa ngayon ay nakikipagtulungan na ang RMN sa mga regional government units at mga kasosyo nito upang magbigay ng suporta kung saan ito higit na kailangan.


Samantala, pinasalamatan din ng RMN Foundation ang RMN – DXBC Butuan sa suporta nito sa RMN – DXRS Surigao para sa paghahanda ng mga relief good gayundin sa RMN DYHB Bacolod sa pagsuporta sa DYHP RMN CEBU.

Facebook Comments