DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Patuloy na binabantayan ng kagawaran ng Department of Trade and Industry Provincial Office at Negosyo Centers sa Pangasinan ang mga presyo at suplay ng mga pangunahing pangangailangan at pangunahing bilihin (BNPCs) sa iba`t ibang mga grocery store at supermarket sa lalawigan sa kabila namang nararanasang pagbaha na dulot ng nagdaang Bagyong Maring.
Batay sa latest monitoring ng kagawaran, napag-alaman na ang mga suplay ng basic necessities at prime commodities ay sapat pa hanggang sa kasalukuyang sitwasyon.
Ang mga pinuntahan at binisita ng kagawaran ay nakita namang sumusunod sa mga suggested retail price na kanilang itinakda.
Samantala, magpapatuloy naman ang kanilang monitoring sa iba pang mga grocery stores at supermarkets kung patuloy na sumusunod ang ito sa SRPs at maging sa health protocols sa gitna ng pandemya.