Monkeypox cases sa buong mundo, umakyat na sa 70,000 – WHO

Umakyat na sa 70,000 ang kaso ng monkeypox sa buong mundo.

Ayon sa World Health Organization (WHO), bagama’t bumagal ang pagtaas ng kaso sa buong mundo ay tumaas naman ang bilang ng bagong kaso ng sakit sa 21 na bansa kung saan karamihan ay mula sa Amerika.

Patuloy namang nakikipagtulungan ang WHO sa iba pang mga bansa upang paigtingin ang testing capacity at monitoring ng mga ito sa monkeypox.


Muli ring iginiit ng WHO na tulad ng COVID-19 ay nananatili pa ring public health emergency of international concern ang monkeypox virus.

Facebook Comments