Bagyong Neneng, pumasok na sa PAR ng bansa

Pumasok na sa teritoryo ng Pilipinas ang tropical depression na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa silangang bahagi ng Northern Luzon.

Ganap na alas-12 ng tanghali kanina nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression na pinangalanan nang Bagyong Neneng.

Asahan na maglalabas ng latest advisory ang PAGASA mamayang alas-5 ng hapon para sa direksyon ng bagyo.


Facebook Comments