Monopolisasyon sa mga pampublikong sasakyan, hiling ng ilang grupo sa ikinakasa nilang transport strike

Ipinapanawagan ng ilang samahan ng mga tsuper at operators na itigil na ang ginagawang monopolisasyon sa mga pampublikong sasakyan.

Kasabay ito ng ikinakasa nilang transport strike ngayong araw hanggang Sabado.

Giit ng mga tsuper, hindi makatarungan ang planong pag-phase out sa mga jeep bilang bahagi ng public utility vehicle (PUV) Modernization Program.


Muling nilang iginigiit na hindi sapat amg pondo na hawak ng ilang kooperatiba lalo na ang mga maliliit na operators para makakuha o makabili ng mga bagong PUV.

Sa pahayag pa ng mga tsuper, tila hindi napapakinggan ng gobyerno maging ng mga nakaupo sa Kongreso ang kanilang hiling at panawagan kaya’t idinaan nila ito sa transport strike.

Kaugnay nito, humihingi sila ng pang-unawa sa mga apektadong pasahero bagama’t batid nila na ang karamihan sa mga ito ay naiintindihan ang kanilang hakbang lalo na kung para sa kinabukasan ng pamilya ang pag-uusapan.

Facebook Comments