80% ng public transport sa NCR, Central Luzon, naparalisa ng tigil-pasada

80% ng pampublikong transportation sa Metro Manila at Central Luzon ang naparalisa sa unang araw ng tigil-pasada ng ilang transport group.

Pinakaapektado umano ng transport strike ang mga ruta sa Quezon City at Maynila.

Nakiisa rin sa tigil-pasada ang mga tsuper na may biyaheng Montalban, Rizal papuntang Cubao at Baclaran, ParaƱaque paluwas ng DasmariƱas City, Cavite.


Ayon kay Mar Valbuena, Chairperson ng grupong MANIBELA, layon ng tigil-pasada na ipakita sa gobyerno kung gaanong jeepney drivers at operators ang maaapektuhan ng jeepney phaseout.

ā€œDito lang po sa NCR, nasa 80% ang nag-participate at sa Central Luzon, ganon din po,ā€

ā€œAng gusto lang naming ipakita rito ay yung volume ng mga jeepney na nag-participate sa tigil-pasada. E pwede po bang gawin ito kapag may na-phaseout na, na laging may contingency po nang isang buwan, isang taon? At syempre, kapag kami, binawian na kami ng prangkisa, malamang po ay wala na talaga kami. Goodbye na,ā€ giit ni Valbuena sa panayam ng DZXL.

Nilinaw naman ni Valbuena na bukas ang kanilang grupo na iatras ang tigil-pasada kung makikipag-dayalogo mismo sa kanila si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

ā€œHindi matatapos ito kung paabutin ko pa ito ng dalawang linggo, pero handa ang ating kasamahan e, sa ganong sitwasyon,ā€ ani pa ni Valbuena.

ā€œDepende po yan sa gobyerno kung mag-a-announce po ba si PBBM na makaka-dialogue tayo mismo. Kasi nagsabi na yung pangulo na ganito ang gawin ninyo pero iba ang nangyari, kaya kami tumuloy.ā€

ā€œKasi inurong lang yung deadline pero yung mga provisions doon na nagpapahirap, andun pa rin. Pinahaba lang yung stress na mararanasan namin sa araw-araw at trauma ng mga kasamahan natin na hanggang ganito na lang pala tayo,ā€ dagdag niya.

Facebook Comments