Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) kabilang ang Lambak Cagayan sa pitong mga rehiyon sa bansa na nagbigay ng mataas na umento sa sahod para sa mga kasambahay.
Ang umento sa sahod ay ipinatupad ng Wage Board dahil na rin na hirit na taas sahod ng mga manggagawa dahil narin sa patuloy na pagsirit ng mga presyo ng petrolyo, mga bilihin at serbisyo.
Kasama ng rehiyon dos ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, MIMAROPA, Western Visayas, Eastern Visayas at Central Visayas na pawang ini-angat sa hanggang limang libong piso ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa kani-kanilang mga lugar.
Samantala, nasa labing tatlong mga rehiyon naman ang nagtaas ng sahod para sa mga kasambahay para sa buong bansa epektibo ngayon hunyo.
Matatandaan na sa Lambak Cagayan ay itinaas ng RTWPB sa P420 ang sahod ng mga nasa retail, service at non-agriculture sector samantalang nasa P400 ang mga nasa agriculture sector.
Nagsimula narin ang RTWPB sa pagtanggap ng mga aplikasyon ng exemption para sa mga hindi kayang ipatupad ang bagong umento sa sahod.