Cauayan City, Isabela- Isa sa nagiging takbuhan ng mga guro at opisyal ng ilang paaralan para sa kanilang ilang gastusin ay ang kanilang budget sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE kung saan dito na umano sila humuhugot.
Ito ang iniulat ni ginoong Conrad Delos Reyes, ang Presidente ng General Parents-Teachers Associations o PTA Divison Federation ng Cauayan City sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kaninang umaga.
Aniya, dito na kinukuha ng ibang paaralan ang ilang mga gastusin gaya na lamang sa pagpapakain sa mga bisitang opisyal na mag-eevaluate sa kanilang paaralan at iba pang mga gastusin na kailangan sa kanilang silid-aralan upang hindi na gumasto ang mga magulang at estudyante.
Inihayag din ni ginoong Conrad na hindi pa rin sapat ang kanilang MOOE kaya’t mayroon umano silang programa na patuloy ang kanilang pagsasagawa upang makadagdag sa kanilang pondo gaya na lamang nang pagbebenta ng mga plastic bottles, bote at dyaryo kung saan nakakatulong rin umano para sa kanilang mga gastusin.
Dagdag pa ni ginoong Conrad na kada quarter ay nagkakaroon din ng pulong ang Parent Teacher Community Association o *PTCA* kasama ang pinuno ng paaralan upang iprisinta sa mga ito kung saan napunta ang kanilang pondo at saan ito ginamit.