Morale ng mga miyembro ng Pulisya sa Isabela, Nananatiling Mataas

Cauayan City, Isabela- Nananatili pa rin na mataas ang morale ng mga miyembro ng kapulisan sa lalawigan ng Isabela.

Ayon kay Provincial Director PCol. James Cipriano ng PNP Isabela, nagkaloob din ng ayuda ang national headquarters para sa mga pulis na apektado rin ng malawakang pagbaha bunsod ng naranasang malawakang pagbaha.

Aniya, batay sa pag-iikot ng kapulisan ay nasa 28 bayan ang naapektuhan ng pagbaha dahil sa halos magkakasunod na pag-uulan partikular ang mga bayan ng Tumauini, Cabagan, San Pablo, Sta. Maria at City of Ilagan.


Sinabi pa ng opisyal na marami din ang tumulong na iba’t ibang sektor para mas marami ang maipaabot na tulong sa mga pamilyang apektado ng pagbaha.

Samantala, aminado naman si Col. Cipriano na kinakailangang i-upgrade ang kanilang mga rescue equipment para mas marami at mabilis na makatugon sa mga kalamidad.

Tiniyak din nito na magpapatuloy pa rin ang pagtulong ng kapulisan sa mga nasalanta ng bagyo habang mamimigay din sila ng mga ayuda gaya ng pagkain.

Facebook Comments