Morales at Santiago, pinalaya na ng Senado

Kinumpirma ng Senate Sergeant-At-Arms na pinalaya na kagabi sina dating Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Agent Jonathan Morales at dating National Police Commission (NAPOLCOM) staff Eric Santiago matapos ma-contempt dahil sa pagsisinungaling sa pagdinig ng Senado patungkol sa ‘PDEA leaks.’

Sa sinasabing PDEA leaks ay isinasangkot ng dating PDEA agent si Pangulong Bongbong Marcos at aktres na si Maricel Soriano sa iligal na droga.

Kinumpirma ni Senate Sergeant-At-Arms Retired General Roberto Ancan na pasado alas-syete kagabi ay pinalaya ang dalawa.


Si Morales ay pina-contempt ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada matapos magsagutan at magsinungaling sa nilalaman ng kanyang personal data sheet habang si Santiago ay pina-contempt ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Bato dela Rosa matapos sabihin na gawa-gawa lang niya ang banta sa buhay ni Morales para maipatawag ito sa Senado.

Kinailangan ding pakawalan na ang dalawa dahil nitong Miyerkules ay naka-sine die adjournment o natapos na ang 2nd regular session ng 19th Congress.

Facebook Comments