BI: Canadian national na iniuugnay sa bigtime drug haul sa Alitagtag, Batangas, hindi agad ide-deport 

Hindi agad ide-deport ang Canadian national na iniuugnay sa bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu na nakumpiska sa Alitagtag, Batangas noong nakaraang buwan.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), kailangan munang harapin ni Thomas Gordon alyas ‘James Martin’ ang kaniyang mga kaso rito sa bansa.

Noong nakaraang linggo nang sampahan ng kasong may kaugnayan sa iligal na droga ang suspek na sinasabing nasa likod ng bigtime drug haul.


Naaresto si Gordon sa Tagaytay City kung saan nakuhanan pa siya ng mga iligal na droga at mga pekeng identification cards.

Bukod sa mga kaso sa Pilipinas, wanted sa Estados Unidos si Gordon at may nakalabas na Interpol Red Notice laban sa kaniya.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng National Capital Regional Police Office o NCRPO ang inarestong Canadian national.

Facebook Comments