Morisette, makakatrabaho si Michael Bolton

42

Matapos mag-viral si Morissette Amon sa kinantang “A Whole New World” kasama si Disney composer Alan Menken ay isasama naman siya sa isang international project.

Makakasama ni Morissette ang isang professional American singer – song writer na si Michael Bolton sa isang reality singing competition.


Isa sa mga naging kanta ni Bolton ay ang “How Am I Supposed to Live Without You” at “Said I Love You But I Lie”.

Sa Instagram post ng manager ni Morissette, na si David Gesmundo ibinahagi nito ang larawan ng singer kasama si Bolton.

Say ni Morissette, masaya siya sa ibinibigay na blessings sa kanya ni God lalo na sa kanyang career.

Naka-post na ngayon ang teaser ng kanilang show sa Facebook page ni Bolton na isasagawa ng dalawang buwan at ieere sa iba’t-ibang parte sa Asya.

Facebook Comments

From Advertisers