Morissette Amon, nagsalita na tungkol sa issue kay Sarah Geronimo

Sa isang panayam noong May 7 sa kanyang concert rehearsal, naglabas ng pahayag si Morissette Amon tungkol sa mga akusasyon laban sa kanya.
Tugon niya, “Ang masasabi ko lang, nalungkot lang talaga ako na ang daming naniwala agad dun sa rumor na yun, sa issue na yun.
“Ang sad lang talaga na ang daming umatake sa amin, ‘tapos ang daming nadamay”
Dagdag pa ng singer, “I just feel bad also for Ate Sarah sa States, kasi parang feeling ko, if she knew about it, dagdag pa yung problema sa kanya.
“Pero we talked it over naman, kami ni Angge [palayaw ni Angeline], nag-uusap kami.”
Iginiit ni Morissette na malinis ang kanyang konsensya at sumang-ayon sa paghamon ni Angeline na ilabas ang sinasabing video.
Aniya, “Kung may malabas sila, ipalabas nila. Pero my conscience is clear, walang nangyaring ganun sa akin.”

Facebook Comments