Morissette, nakasama ang Hollywood actor na si Will Smith

Nakasama ni Birit Queen Morissette Amon ang Hollywood actor na si Will Smith na gumanap na Genie sa pelikulang Aladdin at ang composer na si Alan Menken.

Say ni Morissette, tila naging isang “A Whole New World” ang araw niya dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makita ang dalawa kung saan nakasama pa niyang kumanta si Menken.

Dream come true rin para kay Morissette ito lalo ginawang pelikula ang isa sa mga paborito niyang fairytales noong bata pa siya.


Una nang napili si Morissette na gumawa ng isang local version ng kanta kasama si Darren Espanto.

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang duet nina Morissette at Menken na umani ng papuri.

Watch here: https://www.youtube.com/watch?v=JVBS2JG0On4

Facebook Comments