Manila, Philippines – Naniniwala si House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali na tiyak na pasabog ang pagharap bukas ng mga justices ng Korte Suprema.
Ayon kay Umali, pinakaaabangan ang testimonya ni SC Associate Justice Teresita de Castro partikular sa pagbuhay muli ng Regional Court Administrative Office at ang pag-tamper sa TRO ng Senior Citizens Coalition.
Gayunman, aminado si Umali na posibleng kulangin ang isang araw sa pagtatanong pa lamang kay de Castro dahil “most explosive” na maituturing ang mga ibabahagi ng justice sa komite kaugnay sa mga alegasyon ni Atty. Larry Gadon.
Magugunitang makailang ulit na binanggit ni Gadon si de Castro na makapagpapaliwanag sa kanyang mga alegasyon laban kay Sereno.
Tiniyak naman ni Umali na igagalang nila ang mga justices na haharap bukas bilang co-equal branch ng gobyerno.