MOST WANTED AT 4 NA IBA PA SA CITY OF ILAGAN, ARESTADO!

370

*Cauayan City, Isabela* – Arestado ang itinuturing na most wanted kasama ang apat na iba pa sa lungsod ng Ilagan sa magkakahiwalay na opersyon ng PNP City of Ilagan.

Sa ulat ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), kinilala ang naaresto na si Santos Ancheta, 37 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Batong Labang, sa nasabing lungsod.


Si Ancheta ang itinuturing na top two most wanted sa buong lungsod ng Ilagan dahil sa kasong dalawang ulit na panggagahasa ng menor de edad o statutory rape.

Siya ay naaresto ng mga pulis dakong alas kwatro kahapon ng hapon.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na inilibas ni Judge Rodolfo Bartole Dizon, Presiding Judge ng City of Ilagan RTC Branch 18.

Samantala, arestado din ang apat na iba pang wanted sa lungsod ng Ilagan.




Nakilala ang apat na sina Edwin Macaranas, 39 taong gulang,may asawa at isang magsasaka ng Brgy. Bimonton, Mallig, Isabela.

Si Macanas ay kinasuhan sa paglabag sa RA 9262 o mas kilala sa Violence Against Women and their Children Act (VAWC).

Arestado din sa kasong Acts of Lasciviousness si Danilo Sambito, 19 taong gulang, binata at kasalukuyang nakatira sa Brgy Baculod, City of Ilagan, Isabela.

Hindi rin nakapalag nang arestuhin ang 47 taong gulang na si Patrick Ralutin ng Brgy. Baculod, dahil sa Slight Physical Injuries.

Samantalang kalaboso din ang 22 taong gulang na binatang si Romel Alburo ng Brgy. Bagumbayan sa nasabing lungsod dahil sa kahalintulad na kaso.

Pinuri ni IPPO Provincial Director P/BGen. Jose Mario Espino ang City of Ilagan Police Station dahil sa matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa mga nabanggit na suspek.

Facebook Comments