Most wanted crime group leader, patay sa operasyon

99

Sa Northern Mindanao, patay ang number 6 most wanted person ng Northern Mindanao at leader ng notorious criminal group sa isinagawang police operation sa barangay San Vicente, Baungon, Bukidnon kaninang umaga.

Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office o PRO 10 Director Brigadier General Rafael Santiago.


Ayon kay Brigadier General Santiago na ang suspect ay nakilalang si Dencio Lundahan, lider ng notorious Lundahan Criminal Group na nag-ooperate sa Baungon, Bukidnon at kalapit na mga lugar.

Napag-Alaman na si Lundahan ay may grupo na nakikipag-ugnayan sa teroristatang CPP-NPA na nasasangkot sa extortion, robbery, gun-for-hire at iba pang criminal activities.

Facebook Comments

From Advertisers