Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang isa sa mga most wanted na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa rehiyon dos.
Kinilala ang nahuli na si Rolando Villarosa Ibis alyas “Ka Saro”, 49 na taong gulang, binata at residente sa Brgy. Remus, Baggao, Cagayan.
Hinuli si Ka Saro ng magkatuwang na pwersa ng 204th Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 2, 77th Infantry Battalion at 5th Infantry Division ng Phil. Army, Baggao Police Station, Gattaran Police Station, Peneblanca Police Station at Provincial Intelligence Unit ng CPPO.
Si Ibis o Ka Saro ay isa sa pinakamataas na miyembro ng Squad 1 ng Platoon Alpha, East front Committee ng Komiteng Probinsiya Cagayan o KOMPROB Cagayan at dating East Commander ng Northern Front ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley o KRCV.
Nasasangkot si Ibis sa mga kasong Kidnapping with homicide, arson at rebellion.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ni Ibis na ngayon’y nasa kustodiya ng 204 MC ng RMFB2.