Most wanted ng bansang Japan, arestado sa Parañaque City

183

Manila, Philippines – Arestado ng operatiba ng fugitive and search unit ng Bureau of immigration ang 28 anyos na si Suzuki Yuya na itinuturing na banta sa seguridad bilang pugante sa bansang Japan .

Si Yuya ay mayroong warrant of arrest na inilabas ng Japanese Court sa Tokyo sa kasong fraud.

Naaresto siya sa Pearl St South Green Park Km 18 Severina Ave. Lungsod ng Parañaque.


Ayon sa report ni Bobby Raquepo ang Officer in Charge ng Bi Fsu, kanselado na rin ang pasaporte nito kaya isa na itong undocumented alien.

Idinagdag ni Raquepo na naaresto si Yuya dahil na rin sa nakipag ugnayan sa kanila ang national police agency ng Japan Thru Director Chiyonobu Kohie.

Si Yuya ay posibleng may kaugnayan sa sinasabing Japanese Yakuza.



Ayon kay Raquepon, ang nasabing pugante ay nasa Bureau of Immigration warden facility na sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan Taguig City habang hinahanda pa ang commitment order nito para maibalik sa Japan kung saan nag originate ang kaso.

Facebook Comments