Most Wanted Person Municipal Level, Arestado!

*Cauayan City, Isabela-* Hawak na ng mga otoridad ang itinuturing na Top 8 at 10 Most Wanted Municipal level sa Brgy. San Pedro, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Andy Bacani, 50 anyos, may-asawa, negosyante at residente ng Brgy. Dist. 3, Tumauini, Isabela.

Hinuli si Bacani sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC BR 22 Cabagan, Isabela sa kasong dalawang (2) beses na paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) under Crim. Case no. 22-4083 na may kaukulang piyansa na Php 2,000.00 habang ang kanyang criminal case no. 22-4084 noong Nov. 22, 2019 ay walang inilaang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala sa himpilan ng PNP Tumauini ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments