Cotabato City muling namayagpag sa buong Region 12

Muli na namang umani ng pagkilala ang Cotabato City Government, itoy matapos makuha ang parangal mula sa Department of Interior and Local Government bilang Best Performing Peace and Order Council, Ideal Level of Functionality of the Anti Drug Abuse Council at Ideal Functionality of the Local Council for the Protection of Children sa kategorya na highly Urbanized and Independent Component Cities sa buong Region 12.

Mismong si Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi ang nanguna kasama ang ilang pang City Officals sa pagtanggap ng parangal na iginawad sa Koronadal City.

Samantala, nakatanggap rin ng Lupong Tagapamayapa Incentive at Award ang Brgy. RH 2.


Sa kanyang Facebook Post, inaalay ng Alklade ang mga parangal sa lahat ng kanyang mga kababayang Cotabateños.
CM PIC

Facebook Comments