Arestado ng awtoridad ang isang itinuturing na most wanted person na nahaharap sa 13 bilang ng kasong estafa sa Barangay Patpata, Balaoan, La Union.
Pinangunahan ang operasyon ng 102nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) bilang lead unit, katuwang ang iba pang hanay ng pulisya.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Leon,” na naaresto sa bisa ng maramihang warrant of arrest para sa magkakahiwalay na kasong estafa na may kabuuang 13 bilang.
Ayon sa pulisya, ang mga warrant ay may kabuuang inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱208,000.
Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasailalim sa tamang proseso ng batas.
Facebook Comments






