Most wanted person na may kasong rape, arestado sa Pagbilao, Quezon

Nahuli ng mga tauhan ng Pagbilao Municipal Police Station ang number 1 most wanted person sa bayan ng Pagbilao, Quezon Province.

Kinilala itong si Roberto Soleya Gomez alyas Obet, 30-anyos, residente ng Sitio Tulay na Bakal Brgy. Mayhay.

Sa ulat ng PNP Pagbilao, inaresto si Gomez sa pamamagitan ng warrant of arrest dahil sa kasong panggagahasa.


Sa ngayon, nakakulong na ito sa Pagbilao MPS custodial facility.

Facebook Comments