NCRPO, nangangailangan ng mahigit 900 baguhang pulis

48

Hinikayat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PMGen. Debold Sinas ang mga residente ng Metro Manila na nais maging pulis.

Ayon kay Sinas, mayroong 912 available slots para sa Patrolman Recruitment Program ngayong taon sa NCRPO.


Diin ni Sinas, ito na ang pagkakataon para sa mga nais maglingkod sa bayan na sumapi sa Pambansang Kapulisan.

Sinabi ni Sinas na kailangang mapalakas ang puwersa ng Philippine National Police (PNP) partikular ang NCRPO para sa layuning mapanatili ang katahimikan at kaayusan at malabanan ang kriminalidad kasama na ang operasyon ng ilegal na droga.

Pinapayuhan ang mga aplikante na bisitahin ang official Facebook account ng PNP Recruitment Service para sa mga requirement, kwalipikasyon at proseso ng aplikasyon.

Tiniyak naman ni Sinas na magiging mahigpit at maingat ang pagsala sa mga aplikante para matiyak na ang mga karapat-dapat at responsable ang mapipiling mga bagong miyembro ng PNP.



Facebook Comments