MOST WANTED PERSON SA CERVANTES, ILOCOS SUR, ARESTADO

Naaresto ng mga tauhan ng Cervantes Municipal Police Station (MPS) ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Cervantes, Ilocos Sur, matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya.

Kinilala ang suspek bilang isang 37-anyos na lalaki na residente ng nasabing bayan. Nahuli siya sa ikinasang operasyon ng Cervantes MPS, katuwang ang iba pang yunit ng pulisya.

Nahaharap ang suspek sa apat na bilang ng kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 366 ng Revised Penal Code, na may kaugnayan sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Itinakda ng korte ang piyansa sa halagang ₱180,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Cervantes MPS ang suspek habang hinihintay ang mga susunod na proseso ng hukuman.

Facebook Comments