Most Wanted sa Kasong Panggagahasa, Arestado ng Otoridad!

55

Cauayan City, Isabela- Nadakip na ng kapulisan ang itinuturing na Top 1 Most Wanted person sa bayan ng Luna, Isabela.

Nakilala ang naaresto na si Melchor Fajardo Jr., 30 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Pulay, Luna, Isabela.


Dakong alas 6:00 kagabi nang madakip si Fajardo sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Reymundo Aumentado ng RTC Branch 20, Cauayan City, Isabela.

Nahaharap sa kasong panggagahasa ang akusado at walang inilaang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Luna ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments