Mosyon ni Jerry Omlang, isa sa mga suspek sa Jee Ick Joo Kidnap slay, na manatili sa kustodiya ng NBI, pinagbigyan ng Angeles City RTC

Manila, Philippines – Pinagbigyan ng Angeles City RTC branch 58 ang mosyon ni Jerry Omlang na manatili sa kustodiya ng National Bureau of Investigation.

Si Omlang ay nahaharap sa mga kasong carnapping at kidnapping with homicide kaugnay ng insidente ng pagdukot at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo.

Ayon kay Judge Irineo Pangilinan Jr. ang pagpayag sa hiling ng akusado ay dahil na rin sa sinasabing banta sa kanyang buhay.


Una nang inamin ni Omlang ang kanyang partisipasyon sa kaso ng Koreano kung saan kapwa akusado nito sina Police Supt. Rafael Dumlao, SPO3 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas at ang may-ari ng punerarya kung saan dinala ang labi ni Jee na si Gerardo Santiago.

DZXL558

Facebook Comments