Maghahain ngayong araw ng motion for reconsideration ang mga abogado ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kaugnay ito ng rekomendasyon ng Ombudsman na kasuhan siya ng Graft at Usurpation of Authority dahil sa Mamasapano incident.
Sabi ni Aquino, hindi siya nagbigyan ng pagkakataong sagutin ang akusasyon.
Reklamong reckless imprudence resulting in homicide kasi ang isinampa sa kanya noon na kalaunan ay ibinasura rin ng Ombudsman.
Isa sa mga ipinunto ng Ombudsman ay ang pagpapahintulot ni aquino kay dating PNP Chief Alan Purisima na magmando sa operasyon na noo’y suspendido.
Pero paliwanag ng dating pangulo, matagal na niyang kilala si Purisima kaya malaki ang tiwala niya rito.
Ayon pa kay Aquino, inihanda na niya ang kanyang sarili sakaling siya ay makulong.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558