Manila, Philippines – Tuluyan nang pinatalsik sa puwesto ng mga mahistrado si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ay matapos na ibasura ng Supreme Court justices sa botong 8-6 pa rin ang motion for reconsideration ni Sereno.
Ang pagtalakay sa apela ni Sereno ay kabilang sa walumput anim sa mga agenda sa en banc session ng mga mahistrado ngayong araw.
Sa dalawamput limang pahinang resolution na isinulat ni Associate Justice Noel Tijam , nakasaad ditto na kulang sa merito ang apela ni Sereno.
Ipinag-utos din ng mga mahistrado na maitala agad sa entry of judgement ang nasabing kautusan at wala na itong tatangapin na anumang pleading na may kaugnayan sa naturang kaso.
Nakasaad din sa resolution ni Tijam na muli nitong ipina-alala sa Judicial and Bar Council na kaagad simulan ang proseso ng pagtanggap ng aplikasyon at nominasyon para sa posisyon ng punong mahistrado
Si Sereno ang kauna-unahang babaeng nahirang bilang Chief Justice at kauna-unahan ring punong mahistrado na napatalsik sa pamamagitan ng quo warranto case.