Motion for reconsideration para gawing state witness si alias Bikoy, ihahain na sa Korte

Inihayag ni Atty. Larry Gadon na maghahain na sila ng motion for reconsideration sa korte upang gawing state witness sa kasong inciting to commit sedition si Joemel Advincula alias Bikoy.

Ayon sa kaniyang legal counsel, si alias Bikoy kasi ang nakakaalam ng lahat ng impormasyon hinggil sa umano’y tangkang pagpapabagsak sa Duterte administration.

Kanina, naghain na ng kanyang piyansa si Advincula sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 138.


Nagbayad ng sampung libong piso si Bikoy para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Si Bikoy ay kapwa akusado nina dating Sen. Antonio Trillanes at iba pa dahil sa planong pagpapabagsak sa gobyernong Duterte.

Si Bikoy din ang taong nasa likod ng video na “Ang Totoong Narco-list” kung saan idinawit niya ang pamilya ni Pangulong Duterte sa kalakaran ng droga sa bansa.

Maliban kay Advincula, naghain na rin ng kanilang pyensa ang iba pang akusado sa kaso tulad nina Joel Saracho, Boom Enriquez, Yolanda Ong, Vicente Romano III, Albert Alejo, Fr. Flaviano Villanueva, Jonnel Sanggalang.

Bukod tanging si dating Sen. Trillanes na lamang ang hindi nakakapaghain ng kanyang pyensa.

Facebook Comments