Motor rider, patay sa aksidente sa kalsada sa Parañaque

107
Manila, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider matapos salpukin ng isang UV express sa Parañaque City.
 
Dinala na sa royalty funeral homes ang motorider na si Edlin Garay,33 anyos at tubong Mati, Davao Oriental matapos  ma hit and run sa MIA road sakop ng Brgy Tambo.
 
Batay sa salaysay ng ilang nakakita sa pangyayari, nakamotorsiklo si Garay at bigla nalang  sumemplang ang minamanehong motorsiklo malapit sa gutter.
 
Pero ayon pa sa isang saksi, di pa batid na sasakyan ang nakahagip kay Garay kaya sumampa ang motorsiklo nito sa gutter dahilan upang mabagok ang ulo nito sa semento.


Facebook Comments