Apat, arestado sa pagkakabit ng jumper ng kuryente sa Maynila

79
Manila, Philippines – Kalaboso ang apat na lalaki matapos maaktuhang nagkakabit ng jumper ng kuryente sa Raxabago St. corner Capulong St. Tondo Maynila.
 
Kabilang sa mga hinuli ay ang driver na si Fredderic Juan at line men na sina Manuel Banzuelo, Eric Pascua, at Rhomar Tabamo.
Lehitimong contractor ng Meralco ang apat pero isinailalim sila sa surveillance matapos ilang beses na hindi makapagbalik ng mga sobrang kawad ng kuryente.
 
Ang assignment ng apat kanina ay magkabit ng linya ng kuryente sa Magsaysay St. sa Tondo pero naabutan sila sa area ng Capulong.
 
Isang residente na pala ang inalok ng mga suspek na makabitan ng jumper kapalit ang sampung libong piso.
 
Bagaman aminado ang apat, iginiit nila na ito ang unang beses na nagkabit sila ng jumper para may dagdag-kita.
 
Nakatakda silang i-inquest para sa kasong paglabag sa Republic Act 7832 o Anti-Pilferege of Electricity and theft of electric power transmission lines/material.


Facebook Comments