
Isinagawa sa Alaminos City ang isang motorcade bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Zero Waste Month ngayong Enero 2026 at bilang bahagi ng kampanya para sa wastong pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan.
Dumaan ang motorcade sa central business district ng lungsod patungong Lucap Park, na nilahukan ng iba’t ibang sektor upang ipakita ang suporta sa adbokasiya ng zero waste.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000 o Republic Act No. 9003, gayundin ang pataasin ang kamalayan ng publiko sa tamang segregasyon, pagbabawas ng basura, at responsableng pagtatapon.
Ang programa ay pinangasiwaan ng City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) bilang bahagi ng patuloy na mga inisyatiba ng lungsod para sa mas malinis at mas ligtas na kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










