Kasunod ng pag-apruba kamakailan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Motorcycle-hailing app na Angkas.
Iniulat ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lalong dumami ang bilang ng mga naaaksidenteng motorcycle riders.
Sa datos ng MMDA pumalo sa 26,000 ang mga motorcycle riders ang naaksidente sa kalsada noong 2018 kung saan mas mataas ito ng 21% kumpara sa 22,000 nagmomotorsiklo na nasangkot sa aksidente noong 2017.`
Ayon kay MMDA Chief Traffic Inspector Bong Nebrija, tumaas ang bilang ng motorcycle accidents dahil dumami din ang bilang ng mga nagmomotorsiklo na dumadaan sa Commonwealth Avenue, EDSA at C5 road.
Kasunod nito muling nagpaalala ang MMDA sa mga Angkas drivers at sa iba pang motorcycle drivers na mag doble ingat, sumunod sa batas trapiko at irespeto ang kapwa motorista.