Motorcycle backriding policy violators, umabot na sa mahigit 13,000 sa loob ng 12 araw

Nakahuli ang Joint Task Force COVID Shield ng 13,113 na motorcycle riders dahil lumabag sa ipinatutupad na backriding policy sa motorsiklo mula August 19 hanggang August 30, 2020.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, 1,303 sa mga nahuli ang may sakay na pasahero na walang gamit na authorized barrier sa kanilang motor.

1,337 naman ang nahuli na gumagamit ng barrier pero hindi naman Authorized Person Outside Residence (APOR) ang kanilang sakay.


5,513 motorcycle riders naman ang hinuli rin dahil magka-angkas sa motorsiklo kahit hindi magkasama sa bahay at wala pang barrier.

Mayroon pang 3,845 motorcycle riders ang hinuli rin dahil sa hindi paggamit ng rider health gear.

Sa ngayon, tuloy ang pagbabantay ng JTF COVID shield sa mga lumalabag sa quarantine protocols.

Facebook Comments