Motorcycle lanes, ilalagay kasabay ng planong pagpapatupad ng road diet sa EDSA

Nais ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon ng linya para sa mga motorsiklo sa kahabaan ng EDSA kapag naipatupad na ang road diet.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang motorcycle lane ay pwedeng katabi ng yellow lane na para sa mga bus.

Nabatid na ang umiiral ngayon na motorcycle lane o blue lane sa EDSA ay pwede ring daanan ng mga pribadong sasakyan.


Ang road diet ay magreresulta sa dagdag na lane sa EDSA dahil mababawasan ang lapad ng kasalukuyang mga lanes.

Mula sa sukat na 3.4 meters ang 5 lanes sa north at south bound sections ng EDSA, magiging 2.8 meters ang kada lane para magkaroon ng bagong lane sa parehong direksyon para mapabilis ang daloy ng trapiko.

Makakatulong ang panukalang dagdag na lane para makabiyahe ang tinatayang dagdag na 6,000 na mga sasakyan sa north at south bound.

Facebook Comments