Australia, ikinabahala ang patuloy na pagtaas ng mainit na temperatura

Australia – Ikinabahala ngayon ng mga residente sa Australia ang patuloy na pagtaas ng mainit na temperatura sa kanilang bansa.

Nabatid na naitala ng Australia ang pinakamainit na temperatura noong Enero kung saan umabot sa 40 degree celcius ang temperatura na siyang pinakamainit sa kanilang kasaysayan.

Dahil dito, nagdulot ng wildfire, bushfire at pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit dahil sa labis na init.


Bukod dito, pinaghahandaan na din nila ang mas mainit pang temperatura sa mga susunod na araw kaya at nananawagan ang ilang residente kay Australian Prime Minister Scott Morrison na gumawa na ng hakbang para dito.

Facebook Comments