Thursday, March 19, 2026

MOTORCYCLE RIDER, NATUMBA SA KALSADA MATAPOS MAKABANGGA NG ASO SA SAN MANUEL, PANGASINAN

Natumba sa kalsada ang isang motorcycle rider matapos makabangga ng aso habang pauwi sa San Manuel, Pangasinan.

Ayon sa ulat, pauwi na ang biktima nang aksidente nitong mabangga ang isang aso sa kalsada sa Barangay San Juan, dahilan upang mawalan siya ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at tumumba.

Napansin naman ng mga rumurondang pulis ang isang kumpol ng tao sa gilid ng kalsada habang sila ay pabalik sa kanilang himpilan, kaya agad nilang nilapitan ang lugar at nakumpirmang may naganap na aksidente.

Agad nilang tinulungan ang biktima na nagtamo ng minor injury.

Kaagad ding nakipag-ugnayan ang mga pulis sa San Manuel Police Station at sa mga opisyal ng barangay upang humingi ng karagdagang tulong.

Mabilis namang rumesponde ang mga opisyal ng barangay at tiniyak ang agarang pagdadala sa biktima sa pinakamalapit na pagamutan para sa kaukulang lunas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments