MOTORCYCLE RIDER, PATAY MATAPOS BUMANGGA SA RAILINGS NG KURBADANG KALSADA SA ALAMINOS CITY

Patay ang isang 35-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa metal railings ng isang kurbadang kalsada sa Alaminos City nitong Linggo ng hapon, Marso 29, 2026.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas tres ng hapon nang mangyari ang aksidente habang nagmamaneho ang biktima, isang helper at residente ng lungsod, at nawalan umano ng kontrol sa motorsiklo pagdating sa kurbada, dahilan upang bumangga ito sa railings at tuluyang tumilapon sa semento.

Nagtamo ng iba’t ibang pinsala sa katawan ang biktima at agad na isinugod sa Western Pangasinan District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Napag-alaman ng mga awtoridad na walang suot na protective helmet ang biktima nang mangyari ang insidente.

Ang nasabing motorsiklo ay nagtamo rin ng pinsala at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Patuloy namang paalala ng mga awtoridad sa publiko na maging maingat sa pagmamaneho, lalo na sa mga kurbadang bahagi ng kalsada, at laging magsuot ng tamang protective gear upang maiwasan ang kaparehong trahedya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments