Motorcycle rider, utas sa pamamaril sa Maguindanao!

Patay ang isang motorcycle rider sa pamamaril na naganap sa bayan ng Datu Montawal, kahapon ng hapon.
Kinilala ni Datu Montawal Municipal Police Station Chief Police Chief Insp. Rasul Pandulo ang biktima na si EDISON E. CAPE, 26 anyos, residente ng DIPLAHAN, ZAMBOANGA, SIBUGAY.
Bumiyahe mula ZAMBOANGA, SIBUGAY ang biktima sakay ng kanyang kulay itim na Honda XRM 125, may TEMPORARY PLATE NO. 090106 at papunta sana sa DIGOS CITY ngunit pagsapit nito sa Barangayy Bulit ay doon na niratrat ng mga suspek na sakay ng SUV na kaagad umanong nag-u-turn matapos na maisakatuparan ang krimen.
Hindi pa matukoy kung anong uri ng baril ang ginamit ng mga supek dahil walang nakitang empty shells sa crime scene, posibleng nagawa pang pulutin ng mga salarin ang mga basyo ng bala dagdag pa ni Chief Insp. Pandulo.
Patuloy ang imbestigasyon ng Datu Montawal PNP hinggil sa insidente.(photo credit:jessie alli)

Facebook Comments