Motorcycle riders, nagprotesta sa Senado kontra panukalang lakihan ang plaka ng mga motorsiklo

Manila, Philippines – Dumagsa at nagprotesta sa labas ng gate ng Senado ang mga miyembro ng bulacan Motorcycle Rider Confederation bilang pagtutol sa pagpasa ng senado sa senate bill number 1397 o ang Motorcycle Crime Prevention Act.

Kanilang isinisigaw na ang mga motorcycle riders ay hindi dapat tratuhing kriminal.

Ayon kay Robert Perillo na Pangulo ng BMRF, hindi kinunsulta ang kanilang sektor sa pagpapasa ng Senado sa nabanggit na panukalang batas na inendorso ni Senate Committee on Justice Chairman Senator Richard Gordon.


Itinatakda ng panukala ang pagkakaroon ng lahat ng motorsiklo ng malalaki at reflectorized na plaka o license plates.

Layon nito na madaling mabasa ang plate numbers at agad matukoy ang mga riding in tandem na magsasagawa ng krimen.

Kapag naisabatas ang panukala, ang lalabag dito ay maaaring makulong ng mula apat na buwan hanggang dalawang taon at magmulta ng 50 thousand hanggang 100 thousand pesos.

Ang nabanggit na panukala ay nabuo matapos ang isinagawang imbestigasyon ng senado ukol sa umanoy mga kaso ng extra judicial killings.

Facebook Comments