Mga pasaway na bus terminals sa Pasay City, ipinasara!

EDSA – Ipinasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pasaway na bus terminal sa EDSA, Pasay City kaninang umaga.

Ito ay dahil sa paglabag sa nose-in nose-out policy at iba pang ordinansa.

Kasama sa mga nagsilbi ng cease and desist order sa mga bus terminal ang mga tauhan ng business permits and licensing office ng Pasay City.


Nasa dalawang bus terminal at apat na bus companies ang ipinasara kabilang na ang Bragais, Pamar, St. Jude Transit at Raphael na pawang mga byaheng Bicol at Visayas.

Facebook Comments