Motorcycle Taxi na Angkas, pormal nang umapela sa LTFRB na huwag nang ituloy ang paglimita sa kanilang miyembro

Pormal nang naghain ng apela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Motorcycle-Hailing Application na Angkas para huwag nang ituloy ang pagbawas sa miyembro ng Angkas.

Hakbang ito ng Angkas sa desisyon ng LTFRB na paglimita sa mga miyembro ng Motorcycle-Hailing Apps ng hanggang 10 libo mula sa 27 libong miyembro nito.

Ayon kay George Royeca, Chief Transport Advocate ng Angkas, hindi sila naniniwala sa pahayag ni LTFRB Board Member at TWG Chairman for Motorcycle taxi Antonio Gardiola Jr. na hindi raw mababawasan ang bilang ng Angkas bagkus madagdagan pa ang bilang ng mga MC taxi riders na lalahok sa Extended Pilot Implementation.


Binuweltahan din ng grupo ang alibi ni Gardiola na ang pagdadagdag ng iba pang Motorcycle taxi Provider o mga bagong players ay para maiwasan ang monopolya .

Hindi naman sila tutol na magkaroon ng ibang player sa MC taxi huwag lamang daw tanggalin ang ibang miyembro.

Sa panig ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, sinabi ni Atty. Ariel Inton na dapat magkaroon na ng regulasyon ang mga MC taxis .

Ito’y dahil ginagamit na ito bilang Public Transportation.

Facebook Comments