Top 6 Most Wanted Person sa Isabela, Arestado!

101

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga otoridad ang itinuturing na Top 6 Most Wanted sa Lalawigan ng Isabela matapos maaresto sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Ang akusado ay nakilalang si Bonifacio Doroni, 43 anyos, may-asawa, magsasaka, tubong Brgy. Dalig Kalinga, Aurora, Isabela at nanunuluyan sa Brgy. Naganacan, Cauayan City.


Si Doroni ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela dahil sa kasong rape o panggagahasa.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kanyang kasong panggagahasa habang ang isa pa nitong kaso na tangkang panggagahasa ay may kaukulang piyansa na P200,000.

Dinala sa himpilan ng PNP Aurora ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments